OTS 2

Tinatrabaho na rin ngayon ng Office for Transportation Security (OTS) ang pagtaas ng sahod ng kanilang mga empleyado upang maiwasan ang mga insidente ng pagnanakaw sa paliparan.

Ayon kay OTS Administrator Ma.O Aplasca, isa ito sa long-term programs ng kanilang tanggapan.

Sinabi din ng opisyal nagpapatuloy na ang diskusyon kasama ang Department of Transportation at Department of Budget and Management para sa planong pagpapataas ng sahod.

Inamin naman ni Aplasca na talagang mababa ang sinasahod ng entry-level employee ng OTS na ansa P16,000 kada buwan.

Dagdag pa ng OTS chief na mula sa halos 3,000 nilang kawani, tanging nasa 300 lamang ang mga regular na empleyado.

Ang nalalabi naman ay kontraktwal at job-order personnel na mababa ang sinasahod at walang mga benepisyo na nakukuha gaya ng natatamasa ng mga empleyado ng gobyerno.

Ang hakbang na ito ng OTS ay kasunod na rin ng napaulat na umano’y insidente ng pagnanakaw ng isang babaeng empleyado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nahuli-cam na may isinubo sa kaniyang bibig na umano’y $300 mula sa isang pasahero at sinasabayan pa ng pag-inom ng tubig