Idineklara na ang outbreak ng tigdas sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ito ay matapos na masawi ang nasa 3 bata sa rehiyon dahil sa tigdas simula noong Enero ng kasalukuyang taon. Dalawa dito ay sa Lanao del Sur at ang 1 naman ay sa Sulu provinces ayon kay Ministry of Health Deputy Minister Dr. Zul Qarneyn Abas.
Nakapagtala naman ang Ministry of Health surveillance unit ng 592 kaso ng tigdas sa mga probinsiya ng Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Cotabato at Marawi city mula Enero hanggang Marso 20 ngayon taon habang wala namang naitala sa Lamitan City, Basilan.
Ang Lanao del Sur ang may pinakamataas na bilang ng kaso ng tigdas na nasa 220 o katumbas ng 37% ng rehiyon sa kabuuan.
Sinundan ito ng Maguindanao del Norte na nasa 148, Sulu na nasa 91, Basilan- 9, Cotabato city- 4 habang 3 sa Tawi-Tawi.
Kaugnay nito, nakatakdang maglunsad ang Ministry of Health ng BARMM ng malawakang vaccination drive sa buong rehiyon.