-- Advertisements --
miami heat bam butler herro

Positibo pa rin ang Miami Heat na meron pa rin silang pag-asa na makalusot laban sa Los Angeles Lakers at ma-extend ang serye sa NBA Finals.

Ayon sa Heat big man na si Bam Abebayo, nasa kanila ang pressure ngayon pero may buhay pa raw sila.

Mula sa pagkabaon sa 3-1 lead ay nagawa na raw ito noon ng ibang team.

Batay sa kasaysayan ng NBA, ito na ang ika-36 na beses na umabot sa 3-1 lead ang NBA Finals.

Sa naturang bilang ang mga teams na abanse ang siyang tinanghal na kampeon liban lamang noong taong 2016 nang ma-upset ng Cavs nina LeBron James ang Warriors sa pamamagitan ng tatlong sunod na panalo upang masungkit ang korona.

Si Adebayo ay nagbalik na sa Game 4 matapos na mabigong makalaro sa dalawang games bunsod ng neck injury.

Nagtala si Adebayo ng 15 points mula sa 33 minuto na pagkababad sa court.

“We still got hope,” ani Adebayo. “We are still going to grind to the end start to finish.”

Para naman kay Jimmy Butler na may 22 points, tama siya sa pagsasabing ibang klaseng team ang Lakers dahil muli itong babangon tulad ng ginawa sa laro kanina.

“They are really, really good team and we’ve got to play damn near perfect to beat them,” pag-amin muli ni Butler. “We didn’t do that tonight… learn from it but we can’t lose another one.”

Ang Fil Am Heat coach na si Erik Spoelstra ay nagbigay pugay sa todo kayod na ginagawa ng kanyang mga players.

Aniya, hindi pa raw sila susuko bunsod na merong “dahilan” kung bakit umabot sila sa Finals.

“Our guys want to be out there and play for this,” giit pa ni coach Spo. “We have a purpose why we are here.”