LEGAZPI CITY – Nakatakdang bumisita sa ibat ibang mga simbahan sa lalawigan ng Albay ang imahe ni Ina o Our Lady of Peñafrancia.
Ayon kay Fr. Rex Arjona ang tagapagsalita ng Diocese of Legazpi, bahagi ito ng selebrasyon ng ika-100 anibersaryo ng Canonical Coronation ng emahe.
Unang bibisitahin ng Our Lady of Peñafrancia ang Simbahan ng St.Peter and Paul sa Polangui ngayong Hunyo 6 hanggang 7.
Sunod itong dadalhin sa St. Stephen Parish sa Ligao mula Hunyo 7 hanggang 9; St. Gregory the Great Cathedral sa Old Albay sa Hunyo 9 hanggang 11 at St. Raphael the Archangel Parish sa Legazpi City sa Hunyo 11 hanggang 12.
Dadalhin naman ang imahe sa St. Rose of Lima Parish sa Bacacay sa Hunyo 12 hanggang 13; at sa St. John the Baptist Parish sa Tabaco City sa petsa 13 hanggang 15.
Paalala ni Arjona sa mga sasabay sa prusisyon at misa na magdala ng payong at maraming maiinum na tubig upang makaiwas sa sobrang init ng panahon.