-- Advertisements --
Boracay Airport own photo
photo by Bombo Nes Cayabyab-Mercado

KALIBO, Aklan – Pawang outbound flights na lamang papuntang Incheon, South Korea, ang pinapayagan sa Kalibo International Airport.

Ayon kay Engr. Eusebio Monserate Jr., manager ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)-Aklan, hanggang Marso 19 na lamang papayagang makalapag sa paliparan ang isang airline company na magsasakay ng mga turistang Koreano na nakapasok sa lalawigan bago pa ang ipinatupad na community quarantine noong Lunes.

Dakong alas-10:30 kahapon ng umaga, nasa 50 Koreano ang nakabalik na sa kanilang bansa.

Samantala simula kahapon, Marso 17, kanselado na ang lahat ng mga domestic flights sa naturang paliparan.

Una nang naging epektibo nitong Marso 16 ang pagbawal nang pumasok sa Aklan ng lahat ng mga dayuhan na nagmula sa mga bansang apektado ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.