Umaabot sa 13 katao sa Oslo, Norway ang dinapuan ng Omicron variant ng coronavirus matapos isagawa ang isang corporate Christmas party.
Dahil dito itinuturing ito ng mga otoridad bilang isang “superspreader event” dahil posibleng umabot pa sa 60 ang mga kaso.
Naganap ang Christmas party nitong nakalipas na November 26 na inorganisa ng renewable energy company na Scatec, na meron ding operasyon sa South Africa kung saan doon unang na-detect ang Omicron variant.
Ayon kay Preben Aavitsland, isang senior physician sa Norwegian Institute of Public Health, sa hinala nila baka abutin sa kalahati ng 120 mga participants sa Christmas party ang nahawa sa Omicron variant.
Dahil dito maaring ito na ang “largest Omicron outbreak sa labas ng South Africa.”
Liban sa naturang party, meron pang apat katao ang na-monitor din na dinapuan sa iba pang lugar ng Norway.
Bunsod ng naturang outbreak muling magpapatupad ang Norwegian government ng nationwide restrictions upang maibsan ang epekto nang pagkalat pa ng COVID-19.