-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nahaharap ang outgoing mayor ng Baguio City ng kasong usurpation of authority dahil sa pagkabigo umanong protektahan ang mga punongkahoy sa lungsod.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, isinampa ng DENR ang nasabing kaso laban kay Mayor Mauricio Domogan dahil sa pagbigay daw ng mga tree cutting permit na nagpahintulot sa pagkakaputol ng ilang mga pine trees sa Baguio.

Aniya, ang DENR dapat ang dedesisyon sa tree cutting permit at sila lamang ang may otoridad na magpahintulot sa pagputol ng mga puno.

Sinabi niya na ang mga outgoing local officials ay responsable sa mga nararanasang environmental crisis sa kanilang nasasakupan.

Ibinabala pa ni Antiporda na mahaharap sa kaso ang mga incoming local officials na hindi gagawa ng hakbang para masolusyonan ang mga environmental crisis na iiwan ng papalitan nilang administrasyon.

Inirerekomenda aniya ng DENR sa mga bagong halal na mga local officials ang pag-prioritize ng mga ito sa mga environmental concerns sa kanilang nasasakupan at sa pagpapatupad ng mga environmental laws.