-- Advertisements --

Binalaan ni outgoing PNP Chief PDGen. Ronald Dela Rosa ang mga nakakulong na drug lord sa National Penitenciary na itigil na ang kanilang iligal na aktibidad ngayong nalalapit na ang kaniyang pag upo bilang Bureau of Corrections (BuCor) director.

Sa panayam kay Dela Rosa kaniyang sinabi na kung hindi man natitigil ang illegal drig trade ng mga nakakulong na drug lord, sa kaniyang pamumuno sigurado itong matuldukan na.

Tiniyak din nito na magtatagumpay siya sa kaniyang misyon na tuldukan ang mga iligal na aktibidad sa loob ng Bilibid.

Giit ni Dela Rosa hindi siya magpapatalo sa mga drug lord at gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya para matigil na ang illegal drug activities sa loob ng NBP.

Kaniya din sisiguraduhin na lahat ng mga drug lords na nakakulong sa Bilibid ay all accounted.

“I will succeed, mark my word. As to the details, huwag na. Baka hindi pa ako nakaka-aassume, makasuhan na ako.

Mark my word, I will succeed. Hindi ako magpapatalo sa mga drug lord na yan. As to how I will do it, just use your wild imagination,” pahayag ni Dela Rosa.

Hindi rin palalagpasin ni Dela Rosa sakaling may mga empleyado ng BuCor at mga jailguards na kakuntiyaba ng mga drug lords kaniyang sisiguraduhin mananagot ang mga ito.

“Kung may gumagawa pa ng kalokohan doon, I am not assuming or pre-judging them na gumagawa pa rin sila ng kalokohan, pero just in case, may connivance with jailed drug lords, stop it before I will stop you,” matapang na pahayag ni Dela Rosa.