-- Advertisements --

Nagmatigas si Georgian outgoing President Salome Zourabichvili na bumaba sa puwesto kahit na may bagong halal na pangulo ng bansa.

Nanumpa na sa puwesto si Mikheil Kavelashvili matapos na ito ay magwagi sa halalan noong Oktubre.

Subalit maraming mga Georgians ang hindi naniniwala sa panalo ng bagong pangulo dahil umano sa talamak na dayaan.

Sa kasagsagan ng inauguration ng bagong pangulo ay ilang libong mga Georgians ang nagprotesta sa capital na Tbilisi.

Giit ni Zourabichvili na aalis lamang ito sa opisina pero kikilalanin ang susunod sa kaniya bilang illegtimate.