Overcapacity umano ang sanhi ng pagtaob ng bangka lulan ang 20 mga turista na ikinasawi ng nasa siyam na Indonesians matapos malunod nang tangkaing mag-selfie sa reservoir sa Central Java, Indonesia.
Ayon kay Central Java police chief Ahmad Lutfi, nangyari ang insidente nang biglang nagsama-sama sa kanang bahagi ng bangka ang mga pasahero para sa group photo hanggang sa mawalan ng balanse ang sinasakyan nilang bangka kaya ito tumaob.
Dagdag pa ng opisyal, nailigtas ang 11 sa mga turista subalit sa kasamaang palad, siyam na ang binawian ng buhay kabilang na ang one-year old na sanggol at walong taong gulang na lalaki, matapos matagpuan ngayong araw ang bangkay ng dalawang pasahero na naunang napaulat na nawawala.
Magsasagawa ng imbestigasyon ang otoridad kung nagkaroon ng pagpapabaya ang namamahala sa mga boat rides sa naturang reservoir.
Napag-alaman na isang 13-anyos ang operator ng bangka ng mangyari ang insidente. (with report from Bombo Everly Rico)