Mahigpit na ipinag-utos ni DILG Secretary Eduardo Ano sa Philippine National Police (PNP) na striktong imonitor ang mga vaccination sites sa Metro Manila at tiyakin na nasusunod ang public health standard and protocols.
Bilin ni Sec Ano kay JTF Covid Shield Commander Lt Gen. Israel Ephraim Dickson, kung hindi kaya ng mga LGUs na panatilihin ang social distancing sa mga vaccination sites.
Sinabi ni Ano na hindi mag-aatubili ang PNP na ipasara at ipatigil ang vaccination dahil nalalagay sa peligro ang mga tao.
Binigyang-diin ng Kalihim na ang overcrowding at paglabag sa social distancing sa mga vaccination centers ay hindi pinapayagan dahil magiging potential super spreader events ito.
Sinabihan din nito ang mga LGUs na may mga paraan para maging maayos ang pagbabakuna gaya ng pagbibigay ng time slots sa mga tao ng sa gayon hindi ang mga ito pipila ng mas maaga.
Hinikayat din ni Ano ang mga LGUs na huwag i-allow ang mga walk-ins sa vaccination centers dapat scheduled ang mga ito.
Ang pahayag ng kalihim ay bunsod sa nangyaring pagbuhos ng mga tao sa mga vaccination centers sa NCR kabilang ang Manila at Las Pinas.
Nagbabala naman ang kalihim sa publiko na ang lalabag sa panuntunan ay maaring kasuhan ng paglabag sa RA 11332.