-- Advertisements --

Tiniyak ng American music icon na si Stevie Wonder sa kanyang mga fans na walang dapat ipag-alala ang mga ito sa kanya.

Ito’y kasunod ng kanyang anunsyo na siya ay nakatakdang sumailalim sa kidney transplant sa Setyembre ngayong taon.

Ayon sa “Overjoyed” singer, nasa tatlong show pa ang kanyang gagampanan bago ang nasabing operasyon.

“I’m all good, I’m all good, all good, I have a donor and it’s all good,” saad ng 69-year-old singer. (BBC, Getty Images)