-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal ang napaulat na pagbebenta ng mga overpriced na mga face shield sa Ninoy Aquino International Airport.

Sinabi nito na kapag mayroong empleyado na sangkot sa nasabing pagbebenta ng mahal na face shield ay kaniya itong tatanggalin.

Umabot kasi sa kaalaman ni Monreal na bawat ordinaryong face shield ay nagkakahalaga ng P200 bawat isa.

Magugunitang, inirerequire na sa mga pampublikong lugar ang pagsusuot ng faceshield bukod pa sa face mask para hindi na kumalat pa ang coronavirus.

Naglabas ang Department of Health (DOH) na ang suggested retail price ng mga ordinaryong face shield ay dapat mula P26-P50.