-- Advertisements --

VIGAN CITY – Hiniling ng dating Department of Health (DOH) secretary at kasalukuyang Iloilo Rep. Janette Garin kay Pangulong Rodrigo Duterte na maaksyunan ang mahal na presyo ng PCR (polymerase chain reaction) test kits para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Garin, napag-alaman umano na ibinebenta ng PhilHealth sa halagang P8,500 kahit na ang tunay na presyo nito ay aabot lamang ng P1,500.

Aniya, masyado itong mahal para sa mga mamamayan kaya naman nais ng kongresista na mismong ang pangulo ang tumingin sa nasabing isyu upang agarang maaksyunan at mas marami pa ang masuri.

Iginiit nito na hindi naman malulugi ang mga negosyante, supplier, ospital at kabilang na rin ang mga health worker, dahil lamang sa mas murang halaga ng kanilang pagbebenta sa PCR test kits.