-- Advertisements --
comelec overseas voting

Kampante ang Department of Foreign Affairs (DFA) na malalagpasan ng Overseas Absentee Voters’ turnout ngayong halalan ang mga turnouts sa midterm elections noong 2007 at 2013.

Ayon kay Ed Castro, vice chairman ng DFA overseas voting secretariat, kung pagbabasehan kasi ang 2016 elections, mas naging enthusiastic o interesado na raw ang mga Pinoy abroad sa pag-exercise sa kanilang political rights.

Sa isinagawang senatorial elections noong 2007 at 2010 ay nagkaroon lamang ng 16 percent-voter turnout ng overseas absentee voters.

Bagamat sigurado raw si Castro na malalagpasan ang turnouts sa mga nagdaang halalan ay hindi naman matantsa ni Castro kung ilang pursiyento ang overseas voter turnout ngayong halalan.

Ang overseas absentee voting ay nagsimula noong April 13 at magtatapos naman sa Mayo 13.

Ngayong taon, nasa 1.8 million Filipinos overseas ang nagparehistro para sa May 13 elections.