-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Ganap nang naisabatas ang Cabinet Bill No. 36 o mas kilala bilang Overseas Bangsamoro Workers Act of 2020 sa pangatlo at panghuling pagbasa ng Bangsamoro Transition Authority .
Sinabi ni Ministry of Labor and Employment o MOLE-BARMM Minister Romeo Sema na mahalaga ang nasabing batas dahil ito ang magbibigay proteksiyon sa mga manggagawa sa ibang bansa laban sa mga mapang-abuso at mapag-samantalang mga amo nila.
Dagdag ni Minister Sema, ang pagkakapasa ng nasabing batas ay isang halimbawa na handa ang Bangsamoro Government sa pamamagitan ng MOLE-BARMM na unahin ang interes ng mga manggagawa.