-- Advertisements --

Tumaas ang cash remittances ng mga overseas Filipinos na idinaan sa banko noong Oktubre.

Sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mayroong 2.4 percent ang pagtaas o katumbas ng $2.812 bilyon mula sa $2.747 sa parehas na buwan noong nakaraang taon.

Lumago din ang naitalang personal remittances mula sa overseas Filipinos na umabot sa $3.117 bilyon noong Oktubre o mataas ng 2.4 percent mula sa $3.044 bilyon sa parehas na perido.

Ang mga bansang US, Taiwan at Malaysia ang may malaking kontribusyon sa pagtaas ng cash remittances mula Enero hanggang Oktubre.