-- Advertisements --
image 78
Photo courtesy: Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)

Ililibing na ngayong araw ang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Jullebee Ranara sa Golden Heaven Cemetery, alas-9 ng umaga.

Ayon kay Overseas Worker Welfare administrator Arnel Ignacio, alas-9 ng umaga ang libing at kasama sa mga maghahatid sa huling hantungan ang pamilya ni Jullebee maging ang mga taga OWWA.

Tiniyak naman ng PNP Las Piñas ang seguridad sa libing ngayong araw at Kagabi na nga ang huling lamay.

Matatandaan na bukod kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., maraming matataas na opisyal ng gobyerno ang personal na nakiramay sa pamilyang naulila ni Jullebee Ranara.

Samantala, patuloy naman ang pagdating ng mga nakikiramay sa pamilya ng naiwan na Overseas Filipino Worker.