-- Advertisements --

Umakyat na sa 21,133 overseas Filipino workers (OFW) ang natamaan ng COVID-19 matapos makapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng karagdagang 79 bagong kaso na nahawa sa deadly virus.

Nakapagtala rin ang kagawaran ng 46 bagong recoveries habang 11 bagong namatay.

Nananatiling nasa pagamutan naman ang 7,407 habang nasa 12,460 na ang nakarekober sa deadly virus at 1,226 ang namatay.

Sa ngayon, umakyat na sa 97 bansa na may OFW’s ang tinamaan ng COVID-19.

Nangunguna ang Middle East na may 4,565 cases; Asia Pacific na may 1,794; 945 sa Europe habang 103 sa Amerika.