-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Bukas kahit nitong Huwebes Santo at Biyernes Santo ang embahada ng Pilipinas sa Kuwait na nakabase sa Al Siddique sa Sharq Hawalli upang maserbisyuhan ang lahat ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na makaboto sa nagpapatuloy na overseas absentee voting (OAV).

Ayon kay Luiz Carlos Osorio sa panayam ng Bombo Radyo Butuan, simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon araw-araw ang kanilang OAV na matatapos sa Mayo 13.

Kanyang inihayag na marami-rami na ring mga kababayang Pinoy ang nakaboto na kung saan ang iba ay sinamahan pa ng kanilang amo.

Nilinaw din ni Osorio na bukas lang ang kanilang embahada para sa pagboto ng mga OFWs dahil wala silang processing sa mga consular documents sa naturang mga araw.