-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Bukas kahit Huwebes Santo at Biyernes Santo ang embahada ng Pilipinas sa Kuwait na nakabase sa Al Siddique sa Sharq Hawalli upang maserbisyuhan ang lahat ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na gustong sumailalim sa nagpapatuloy na overseas absentee voting (OAV).

Ayon kay Luiz Carlos Osorio sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, simula sa alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon araw-araw ang kanilang OAV na magtatapos sa Mayo 13, 2019.

Kaniyang inihayag na marami-rami na ring mga kababayang Pinoy ang nakaboto kung saan ang iba ay sinamahan pa ng kanilang amo.

Nilinaw din ni Osorio na bukas lang ang embahada para sa pagboto ng mga OFWs dahil wala silang processing sa mga consular documents sa naturang mga araw.