Inirekomenda ng National Parents Teachers Association (NPTA) ang pagbuo ng isang oversight team para imbestigahan ang mga korupsyon sa Department of Education(DepEd).
Sumulat ang naturang grupo kina PBBM at Education Secretary Sonny Angara upang idetalye ang naturang rekomendasyon.
Batay sa rekomendasyon, iimbestigahan ng naturang team ang anumang mga reklamo ukol sa korupsyon, tiyaking maayos ang pagkakagamit ng Maintenance and Other Operating Expenses ng DepEd, at bantayan ang kapakanan ng mga estudyante at mga guro na nasa ilalim ng DepEd.
Dapat itong buuin ng mga investigator na may malawak na kasanayan, at may expertise sa financial auditing, fraud detection, educational policy, at may kaalaman sa batas.
Maaari ding maging bahagi ng naturang team ang mga kinatawan ng mga komunidad at mga education expert.
Hinihimok ng grupo sina PBBM at Sec. Angara na ikonsidera ang naturang rekomendasyon at ipatupad ito para sa umano’y kinakailangang reporma sa naturang ahensiya.