Maituturing na election offense ang paggamit ng oversized campaign materials na featured sa mga electronic billboards.
Ginawa ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon ang paalalang ito sa kanyang mga posts sa Twitter matapos na tanungin siya ng isang netizen kung ano ang kanyang posisyon sa malaking billboard na nakalagay sa isang condominium building sa EDSA tampok ang sentorial bets ng PDP-Laban.
Iginiit ni Guanzon na ang oversized campaign materials sa mga electronic billboards ay mahigpit na ipinagbabawal.
Dahil dito, inatasan niya si COMELEC spokesperson James Jimenez at Director Frances Arabe na padalhan ng notices ang mga kandidatong ito gayundin ang mga billboard companies.
Sa ilalim ng COMELEC Resolution 10488, na siyang nagsisilbing implementing rules and regulation ng Fair Elections Act para sa May 2019 elections, mayroong authorized area lamang kung saan maaring maglagay ng campaign materials ang mga kandidato.