Itinanggi ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na walang oversupply ng asukal.
Ginawa ni SRA Administrator Pablo Luis Azcona ang paglilinaw kasunod ng claims ng ilang sugar producers na may oversupply ng asukal na humantong umano sa pagbaba ng millgate price.
Tinawag ding “malicious” ng SRA ang naturang claims
Paliwanag ng SRA chief na ang desisyon ng gobyerno na hindi mag-angkat ng asukal hanggang sa pagkatapos ng post-harvest ay para mapigilan ang pagbaba sa presyo.
Wala aniyang ibang intensiyon sa anunsiyong ito maliban na lamang sa kanilang mandato na maging transparent at panatilihing informed ang mga stakeholder.
Giit pa ng opisyal na hindi nila hawak ang pagpepresyo at marketing sa mga asukal.
Matatandaan, noong Nobiyembre 10, inanunsiyo nina Azcona at Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na hindi itutuloy ng Pilipinas ang pag-aangkat hanggang sa kalagitnaan ng susunod na taon sa gitna ng stable na stock ng raw at refined sugar.