Hindi hihiling ang Office of the Vice President (OVP) ng confidential funds sa ilalim ng 2025 national budget.
Ginawa ni Vice President Sara Duterte ang pahayag sa sidelines ng Pasidungog event ng OVP, isang awarding ceremony para kilalanin ang partners ng OVP sa pagpapatupad ng iba’t ibang mga programa na ginanap sa Cebu city.
Matatandaan na naging kontrobersiyal ang confidential funds na inilalaan sa civilian government agencies matapos na humiling si VP Sara noong 2023 ng P650 million para sa confidential funds ng OVP at DepEd at intelligence funds mula sa Kongreso.
Nabunyag din na ginugol ang P125 milyong pondo sa loob ng 11 araw lamang noong Disyembre 2022.
Una na ngang iginiit ni Duterte na ang panukalang confidential at intelligence fund ay para labanan ang aniya’y recruitment sa mga estudyante para umanib sa mga komunista at grupo ng mga rebelde.