-- Advertisements --
Iminungkahi ng Office of the Vice President (OVP) ang P2.037 bilyon na pondo para sa susunod na taon.
Sa kanilang post, sinabi ng OVP na ang kanilang layunin ay mas mapalawak ang paghahatid ng serbisyo mula sa iba’t ibang tanggapan sa mas marami pang Pilipino.
Kung sakaling maaprubahan ng Kongreso ang naturang panukala, magkakaroon ito ng pagtaas na 12.39% sa bilang ng mga target na benepisyaryo para sa mga flagship program ng OVP, o kabuuang 1,139,244 beneficiaries.
Noong 2024, ang 87.59% ng badyet ng OVP ang inilaan sa mga programa at proyekto at 12.41% sa personal services, equipment at vehicles.
Kabilang sa mga pangunahing programa at proyekto ng OVP ay ang tulong medikal at burial, Libreng Sakay, at ang Disaster Operations Center.