-- Advertisements --

Inihayag ng Office of the Vice President na handa itong magdeploy muli ng kanilang ‘libreng sakay’ busses sa mga lugar na inaaasahang maaapektuhan ng tigil pasada na ikakasa ng transport group na Manibela bilang protesta kontra sa public transport modernization program ng gobyerno.

Ayon sa OVP, ang gagawing redeployment simula bukas, miyerkules, August 14, ay coordinated na sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Kasalukuyan namang may 4 na OVP buses sa National Capital Region para magbigay ng libreng sakay habang tag isa naman ang nasa Cebu, Bacalod, at Davao.

Samantala, panibagong bus naman ang idadag bukas na may ruta mula Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) pa Naic, Cavite.