Namahagi na ng relief boxes ang Office of the Vice President sa mga pamilyang naapektuhan ng insidente ng sunog kamakailan sa lungsod ng Maynila.
Sa pamamagitan ng Disaster Operations Center (DOC) ng OVP, nasa 337 pamilyang distressed ang nabigyan ng tulong sa relief distribution para sa mga apektadong residente na naninirahan sa Barangay 775 sa San Andres Bukid District, Lungsod ng Maynila.
Ang bawat relief box ay naglalaman ng mga food pack pati na rin ang hygiene kits, kumot, sleeping mats, mosquito net (kulambo), tsinelas, expandable water jugs, at iba pang mga kinakailangang pangangailangan.
Pinangungunahan ng OVP-DOC ang lahat ng aktibidad sa pagtugon sa kalamidad ng ahensya at nakikipag-ugnayan nang malapit sa lokal na DRRMC.
Umabot sa 100 bahay ang natupok sa nasabing insidente ng sunog noong nakaraang Martes.