Nagsimula na ang Office of the Vice President na magpahatid ng tulong at relief operations sa mga residenteng labis na naapektuhan ng bagyong Kristine.
Mahigit 1,000 mga respondents at fronliners ang tumulong sa OVP para maipamahagi ang mga hot meals, bottled waters at ilan pang food packs sa mga apektadong residente.
Tumulong din ang mga local government unit sa lugar na Legazpi City at Daraga DRRMO, Daraga Public Safety Officers, Legazpi City 911 Command Center, Albay Provincial Safety and Emergency Management Office, at Legazpi City Police Station and Community Police Stations.
Samantala, namahagi rin ang opisina ng bise presidente sa ilan pang kalapit na lugar gaya ng Ems Barrio, Lapu-Lapu, Bitano, at sa mga apektadong mga estudyante mula sa Bicol University Legazpi and Daraga campuses.