MANILA – Namahagi ng care kits ang Office of the Vice President (OVP) sa mga pasyente ng COVID-19 na nagpa-konsulta sa inilunsad nilang “E-Konsulta” platform.
We have been overwhelmed with many different tasks since we rolled out our Bayanihan E-Konsulta program 2 days ago. We…
Posted by Leni Gerona Robredo on Friday, April 9, 2021
Ayon kay VP Leni Robredo, partikular na binigyan ng COVID-19 care kit ay yung mga pasyenteng naka-isolate sa kani-kanilang mga bahay.
“One of our realizations since Wednesday was that most of our patients who are covid positive and doing home isolation are relieved that they get to talk to a medical doctor,” ani Robredo sa kanyang online post.
“But when doctors start asking them to monitor their symptoms and report them, they do not have thermometers and oxymeters to check their temperature and oxygen level.”
Nilalaman ng ipinamahaging care kit ang ilang gamot, medical supplies, at monitoring sheet.
Aminado si Robredo na hindi nila inasahan ang dagsa ng mga nagpa-konsulta sa platform. Kaya naman nagpasalamat siya sa kanyang mga staff na masigasig na tumugon sa demand ng mga taong tumangkilik sa “E-Konsulta.”
Ibinahagi rin ng bise presidente ang pagiging abala ng kanyang tatlong anak sa pagtugon sa mga kailangan ng bagong programa.
“Tricia has been taking in teleconsults almost full time since Wednesday. Aika has been helping me witn the organizational structures and process flow in as much as I am technologically challenged. Jillian naman has been praying for us.”
Nilinaw naman ni Robredo ang mga haka-haka na mayroon daw nakapaligid na sundalo sa kanyang bahay.
“Meron palang ganun?? Hindi po totoo. Andito po ako nagtratrabaho.”
Noong Huwebes nang ilunsad ng OVP ang “E-Konsulta,” na maaaring ma-access ng publiko sa pamamagitan ng Facebook o Messenger.
Kamakailan nang ilunsad din ng tanggapan ni Robredo, kasama ang pribadong sektor, ang “SWAB CAB.”
Isang libreng mobile antigen testing para sa mga residente ng mga lugar na may matataas na kaso ng COVID-19 sa NCR Plus.