-- Advertisements --

Bilang bahagi ng 89th Founding Anniversary ng Office of the Vice President (OVP), nagsagawa ng Thanksgiving activity ang Office of the Vice President-Panay and Negros Islands Satellite Office sa Aklan, nitong Linggo.

Masayang tinanggap ng mga residente ng munisipalidad ng Makato at Boracay Island ang handog na gift packs mula sa Office of the Vice President.

Umabot sa 4,400 na gift packs ang naipamahagi ng OVP sa mga benepisyaryo na nagmula sa sektor ng Driver Association, E-Trike Drivers Association, Boat Driver Association, Photographer Association, Vendors, Solo Parent at mga kapatid natin mula sa Boracay Ati Tribal Organization.

Bawat gift packs ay naglalaman ng bigas, noodles, canned goods at kape.

Kasabay ng giftgiving, ay nakatanggap din ng tig 150,000 Livelihood assistance ang Tamu-an Womens Organization at Dabong Farmers Association mula sa Mag negosyo Ta’ Day (MTD) program ng OVP.

Naipamahagi din ng OVP ang 27 wheelchairs para sa mga benepisyaryo na stroke patient at cerebral palsy, na kinakatawan ng kanilang mga pamilya.

Nagpapasalamat naman ang Office of the Vice President sa mga tumulong upang maging matagumpay ang aktibidad. Kabilang na rito ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Philippine National Police (PNP), Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRMO), Brgy. Officials, Malay LGU at Municipality of Makato LGU.