-- Advertisements --
Pinabulaanan ng Office of the Vice President na pinag-antay nila ang mga mambabatas ng 17 oras sa gitna ng plenary debate sa panukalang pondo ng kagawaran sa Kamara.
Ginawa ng OVP ang pahayag bilang tugon sa pagbatikos ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel sa hindi pagsipot ni VP Sara Duterte sa House plenary hearing.
Sinabi din ng mambabatas na nag-aantay umano sila ng 17 oras mula alas-10 ng umaga ng Lunes hanggang halos alas-3 ng umaga ng Martes.
Paliwanag ng OVP na maaga pa lang noong Setyembre 16 nang matanggap ng House budget sponsor na si Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Adiong ang sulat mula sa OVP na ipinapaubaya na ni VP Sara ang deliberasyon sa panukalang pondo ng OVP sa plenaryo sa House of Representatives.