MANILA – Minaliit ng Office of the Vice President ang panibagong banat ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay VP Leni Robredo.
OVP spokesperson Barry Gutierrez says the administration "spends more time attacking" VP Leni Robredo "than responding to the real, urgent problems" of the country.
— Christian Yosores (@chrisyosores) March 9, 2021
On Monday, Pres. Duterte blamed Robredo for low vaccine confidence on Sinovac. | @BomboRadyoNews
Sa isang statement sinabi ni OVP spokesperson Atty. Barry Gutierrez na masyadong nakatuon ang pansin ng administrasyon sa pag-atake sa pangalawang pangulo, kaysa tugunan ang mga problema ng bansa.
“This administration spends more time attacking Leni Robredo than responding to the real, urgent problems of our people and nation,” Gutierrez.
Nitong Lunes nang gabi banatan muli ni Duterte si Robredo dahil sa umano’y mababa pa ring tiwala ng healthcare workers sa Chinese-vaccine na Sinovac.
Kung maaalala, umapela ang bise presidente na padaanin din sa review ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ang nasabing bakuna, dahil 50.4% ang lumabas na efficacy rate nito nang pag-aralan sa healthcare workers sa Brazil, ayon sa Food and Drug Administration.
Mas mababa ang datos kumpara sa efficacy rate ng Pfizer-BioNTech at AstraZeneca vaccines, na dumaan sa HTAC review.
“Instead of helping, the Vice President muddled up everything, thereby I said creating uncertainty and doubt in the minds of the people. I hope next time, if she has nothing good to say, she should just maybe shut up… I did not get irritated. I got angry at you because I said, what is this? Time is running out to convince people,” ayon sa pangulo.
Pare-parehong nabigyan ng emergency use authorization (EUA) sa Pilipinas ang mga bakuna ng Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, at Sinovac.
Sa kabila nito, iginiit ng ilang opisyal na hindi na kailangan dumaan sa HTAC ng dumating na 600,000 doses ng Sinovac vaccine dahil donasyon ito at hindi binili ng pamahalaan.
Gayunpaman sinabi ng tagapagsalita ni Robredo, na imbis na solusyunan ng pamahalaan ang mga issue, nakakatuwa na isinisi pa rin ng Palasyo ang lahat sa bise presidente.
“Kulelat tayo sa pagkuha ng bakuna? Awayin si Leni Robredo. Mabagal ang pagtugon sa bagyo at baha? Siraan si Leni Robredo. Milyon milyon ang nawalan ng trabaho? Insultuhin si Leni Robredo. Tapos sila daw ang hindi namumulitika?”
“Sa kanila na yang puro paninisi, itutuloy na lang namin ang trabaho.”
Batay sa tala ng Department of Health, as of March 7, mayroon nang 35,669 healthcare workers na naturukan ng unang dose ng bakuna.
Target ng gobyerno na maturukan ang tinatayang 1.8-million na frontline healthcare workers ngayong buwan hanggang Abril.