-- Advertisements --

Nakalabas na umano sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) si Usec. Lyka Lopez nitong Sabado lamang.

Ayon sa source ng Bombo Radyo, may release order ito mula sa Kamara, makaraang matapos na ang ibinabang 10 araw na detention.

Unang pinatawan ito ng limang araw na pagkaka-detain, ngunit dahil sa hindi pagdalo sa nakalipas na hearing, pinalawig iyon sa 10 araw.

Sa halip naman na sa House of Representatives ma-detain ang chief-of-staff ni Vice President Sara Duterte, hiniling ng kampo nito na sa ospital na lamang manatili dahil sa dinaranas na labis na stress at trauma.

Wala pa namang ipinalalabas na pahayag ang panig nito kung saan tutuloy si Usec. Lopez matapos itong mapiit dahil sa contempt na ipinataw ng House committee on good government and public accountability.