MANILA – Pumalag ang Office of the Vice President (OVP) sa akusasyon ng Malacanang ni ipinipilit ni Vice President Leni Robredo na magkaroon sila ng infomercial ni Pangulong Rodrigo Duterte para mahikayat ang mga Pilipinong magpabakuna.
READ: The Office of the Vice President refutes Palace’s claim that VP Leni is “pushing” to be in a vaccine infomercial with the President.
— Christian Yosores (@chrisyosores) May 27, 2021
“It is sadly clear that this administration will always put politics first, and will even lie to push its own agenda.” | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/BQeqfO2Ljg
Sa isang statement, nilinaw ni OVP spokesperson Barry Gutierrez na hindi si Robredo ang nasa likod ng naturang panukala.
“The idea for a vaccine infomercial came from Senator Joel Villanueva.”
“The Vice President simply expressed her willingness to do it to improve vaccination confidence, which remains alarmingly low,” dagdag ni Gutierrez.
Kung maaalala, iminungkahi ni Villanueva na maglabas ng joint public service announcement sina Robredo at Duterte para makumbinse ang mga Pilipinong may agam-agam magpabakuna.
Naniniwala kasi ang senador na epektibo kung ang dalawang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan ang mismong mananawagan sa publiko.
“Ito po ang tambalang nakikita nating mabisa na pangontra sa mga fake news. Both are vaccine recipients, and are living proof that vaccines do no harm,” bahagi ng statement ng mambabatas.
Ayon kay Gutierrez, nakakalungkot na tila walang tigil ang administrasyon sa pamumulitika kahit nasa gitna ng krisis ang bansa.
Nitong Miyerkules nang sabihin ni Presidential spokesperson Harry Roque na si Robredo lang naman ang nag-volunteer na magkaroon sila ng vaccine infomercial ni Duterte.
“I think ngayon po, ngayong napapakita natin na dumadami na’ng nagbabakuna, eh bigla namang nagvolunteer, gusto raw niyang umappear sa infomercial kasama kayo. Sa loob-loob ko, ‘matapos tayo siraan nang siraan, eh ngayong nagiging matagumpay ang ating vaccinations, eh makikisama ngayon,” ani Roque sa isang taped interview sa presidente.
“Based on this statement from last night’s Cabinet briefing, it is sadly clear that this administration will always put politics first, and will even lie to push its own agenda,” sabot ng kampo ni Robredo.
Sa kabila nito nanindigan ang OVP na tuloy sa trabaho ang bise presidente para matulungan ang mas nakararaming Pilipino na apektado ng pandemya.
“And will always be ready to do more to serve our people.”