-- Advertisements --

DAVAO CITY – Hinihintay na ng Overseas Workers Welfare Administration Region 11 (OWWA-11) ang nasa 34 na overseas Filipino workers (OFWs) na mula sa Davao Region na kasalukuyang nasa Iran at Iraq na uuwi ng Pilipinas.

Sinabi ng OWWA-11 Chief for Programs and Services Division Carmelo Elaya sa isang press briefing na ang pagdami ng mga OFWs ay maaring tumaas pa dahil mayroon pang mga undocumented OFWs sa dalawang bansa.

Dagdag pa niya na hindi pa matukoy ng ahensya ang tiyak na detalye sa estado ng mga OFW na mula sa rehiyon, at ang mga identidad na nakarehistro sa OWWA’s membership processing center.

Inihayag rin ni Elaya na ang Task Force Gitnang Silangan active na upang tumugun sa mga pangangailangan ng mga OFWs sa mga nasabing lugar.

Umapela naman si Elaya sa pamilya ng mga OFW na kumbinsihin ang miyembro ng kanilang pamilya na makipag-ugnayan sa embahada para sa kanilang pag-uwi.

Aniya, maari rin na makipag-coordinate ang mga OFW sa malapit na embahada ng Jordan, Lebanon at Bahrain.

Dagdag naman nito na handa na rin ang programang tinatawag na “Balik Pinas, Balik Hanapbuhay” para sa nagdusang mga OFWs na mula sa nasabing mga bansa.