-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Binabantayan na ngayon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA ang bilang ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na sumasailalim ng quarantine sa kanilang mga quarantine facilities, matapos na sumampa na sa 10,000 OFWs ang nananatili sa mga hotel quarantine facilities.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay OWWA Administrastor Atty. Hans Leo Cacdac sinabi niya na oras na umakyat na sa 12,000 ang mga OFW na sumasailalim sa quarantine ay maitututring na itong critical level.

Ayon kay Atty. Cacdac tinatayang nasa 562,000 na mga OFW’s na ang napauwi nila sa mga probinsiya.

Paliwanag ni Atty. Cacdac dumadami ang mga sumasailalim sa quarantine dahil sa pinalawig na quarantine period ng IATF para sa mga dumarating na OFW sa Bansa.

Aniya upang mapababa ang bilang ng mga OFW na kasalukuyang naka quarantine ay patuloy nilang isinusulong ang pagpapababa ng quarantine period ng mga OFW mula sa kasalukuyang 7 araw hanggang 10 araw sa hanggang 3 araw na lamang.

Una naring nakapagpasa ang OWWA ng panukala sa IATF may kaugnayan sa pagpapababa ng quarantine period ng mga umuuwing OFW sa Pilipinas.

Gaya naman ng dati ay pareho pa rin ang ipinapatupad na panuntunan sa pag-uwi ng mga OFW kung saan paglapag sa paliparan ay agad silang ididiretso sa hotel quarantine facilites, kukunan ng swab test at ang mga magpopositibo ay agad na dadalhin sa isolation facility na pinamamahalaaan ng Bureau of Quarantine.