-- Advertisements --

Humihirit ng karagdagang P9.8 bilyon na pondo ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para matiyak ang tuloy-tuloy na repatration efforts sa mga overseas Filipino workers na apektado ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni OWWA administrator Hand Cacdac na nasa 500,000 na mga OFW ang inaasahang uuwi sa bansa.

Dagdag pa nito na posibleng maubos sa loob ng anim na buwan ang emergency repatriation fund ng ahensiya na nagkakahalaga ng P6.2 bilyon.

Hindi aniya muna nila ginagamit ang trust fund ng OWWA na nagkakahalaga ng P18.3 bilyon sa kasalukuyan para hindi na ito agad maubos.