-- Advertisements --

Gumagawa na ang hakbang ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para mapauwi ang mga bangkay ng tatlong Filipino na nasawi sa malawakang pagbaha sa Dubai, United Arab Emirates.

Kinilala ang mga biktima na sina Marjorie Saquing, Jennie Gamboa at Danny Casipong.

Ayon sa OWWA na nasawi si Casipong matapos mahulog sa sinkhole habang ang dalawa ay na-suffocate sa loob ng kanilang shuttle service.

Sinabi pa ni OWWA Administrator Arnell Ignacio na nakausap na nila ang mga kaanak ng biktima at inaayos na nila ang mga dokumento para mapauwi ang mga biktima.