-- Advertisements --
Opisyal na ipinakilala sa publik ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kanilang bagong logo.
Pinangunahan ni OWWA Administrator Arnell Ignacio at Department of Migrant Workers (DMW) Hans Leo Cacdac ang pagsasapubliko ng bagong logo ng ahensiya.
Sinabi ni Ignacio na nagpapakita sa logo ang pagbibigay nila ng kahalagahan sa mga Overseas Filipino Workers sa buong bansa.
May ilang elemento na makikita sa logo kabilang ang tatlong estrella na tumatayo bilang pagkakaisa sa gobyerno, OFW at mga private sectors ganun ang walong sinag na nagpapakita ng walong pangunahing trabaho ng OWWA sa ilalim ng Republic Act 10801.