Kinumpirma ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na may isang Filipino ang tinamaan ng bala sa kasagsagan ng giyera sa Isarel.
Ayon kay OWWA administrator Arnel Ignacio, kaagad nadala sa ospital ang biktimang kinilalang si Joey Fasulingan na kasalukuyang nagpapagaling at nasa stable na ang kondisyon.
Dagdag pa ni Ignacio mayroon na aniyang nakita sa limang Filipino OFW na naiulat na nawawala.
Kabilang sa mga nakita na aniya ay sina Grace Cabrera, Shirley Morillo, isang Noralyn at isa pa na hindi pa nakikilala.
Ayon kay Ignacio na isa pa ang patuloy na hinahanap, kaya ang asawa nito ay pinapunta na aniya nila sa tanggapan ng OWWA dito sa Metro Manila para kanilang maalalayan habang naghihintay pa ng ibang impormasyon.
Humingi naman ng paumanhin at pang unawa si Ignacio sa publiko kung hindi man sila makapagbigay agad ng impormasyon, dahil gusto muna aniya nilang makasiguro para tama ang kanilang iuulat.