Nagbigay ng babala ang Overseas Workers Welfare Administration sa publiko laban sa kumakalat ngayon na loan lending scam.
Ito ay matapos na may gumamit ng opisyal na larawan ng nasabing ahensya para makahikayat at makapangbiktima sa ating mga kababayan.
Ayon kasi sa post, nagpapanggap at ginagamit umano ni Rochelle May Loan ang logo ng naturang ahensya at nag aalok ito ng emergency loan sa mga Overseas Filipino Workers.
Naglagay din ito ng samu’t saring mga screenshot at larawan ng mga Pinoy na nakatanggap umano ng loan sa kanila.
Samantala, mariin namang itinanggi ng Overseas Workers Welfare Administration na wala silang kaugnayan sa kahit anong mga nagpapanggap na account online, kung kaya’t hinihikayat nila ang mga Pilipino na kaagad na ireport at itawag ito sa kanilang tanggapan upang maiwasan na mabiktima ng ganitong klaseng scam.