-- Advertisements --

Naglaan ang hanggang P1 milyon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa livelihood loans ng mga grupo ng overseas Filipino workers (OFW) na naapektuhan ng COVID-19.

Sinabi ni OWWA administrator Hans Leo Cacdac, na ang livelihood loans ay inaprubahan ng OWWA board sa pamumuno Secretary Silvestre Bello III.

Aabot ito sa kabuuang P500 million kung saan maaaring umutang mula P150,000 hanggang P1 million ang mga apektadong OFW.

Magsisimula ang nasabing group livelihood program sa Setyembre.

Naniniwala kasi ang OWWA na mas magiging matagumpay ang nasabing livelihood loans kapag nasa isang grupo na sila.