-- Advertisements --

Nangangamba ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) dahil malapit ng mapuno ang mga quarantine facilities para sa mga umuuwing OFW.

Sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cadac, halos katumbas na ang dami ng mga bilang ng mga umuwing OFW noong Mayo 2020 ang bilang ngayong buwan.

Base sa proseso, lahat ng mga dumarating na OFW ay dapat sumailalim sa quarantine ng hanggang isang linggo dahil sa gagawin lamang ang pag-swab test sa mga ito pagdating ng ika-limang araw.

Dito ay binigyang halaga ni Cacdac ang pagdagdag ng pondo ng OFW para matugunan ang kakulangan ng quarantine facilities.