-- Advertisements --
Nilinaw ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga overseas Filipino worker (OFWs) at kanilang mga pamilya na hindi nangangailangan ng bayad ang ahensya para sa mga serbisyo nito.
Ginawa ng ahensya ang pahayag matapos na lumabas sa social media account na gumagamit sa pangalan ni Administrator Arnell Ignacio.
Ang naturang account ay nakabiktima ng isang indibidwal at nakuhanan pa ito ng limang libong piso.
Giit ng ahensya, lahat ng kanilang serbisyo ay libre lamang para sa lahat.
Hinikayat rin nito ang publiko na huwag i-entertain ang sinumang grupo at indibidwal na hihingi ng halaga kapalit ng serbisyo.
Maaari rin aniyang dumulog sa ahensya kapag may nabalitaan na ganitong iligal na aktibidad.