Nagbabala ngayon ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga Pinoy na nagbabalik sa kanilang mga job site laban sa mga pekeng dokumento sa pagkuha sa kanilang mga exit clearance o overseas employment certificate (OEC).
Kasuod pa rin ito ng report ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Kuala Lumpur na mayroon daw nagsusuplay ng pekeng employment contract, passport, visa at iba pang kahalintulad na dokumento sa mga Pinoy na iligal na nagtatrabaho sa Malaysia at gustong kumuha ng OEC sa Pilipinas.
Kinilala ng POLO ang suspek na si Gina Leyson Erana.
Una rito, may record daw ang POLO sa Malaysia na kaso ng mga undocumented worker mula Pilipinas at pumuntang Malaysia gamit ang pekeng mga dokumento mula kay Erana.
Gamit daw ni Erana ang Facebook account na Juvica A. Pudun at dito niya ina-advertise ang mga job vacancies.
Nag-o-offer din ito ng and “documentation services†sa mga Pinoy lalo na sa mga household service workers na iligal na nagtatrabaho sa Malaysia.
Naaresto naman ito ng mga otoridad sa Malaysia dahil sa pagiging illegal immigrant at pina-deport dito sa Pilipinas.
Pero pinaniniwalaang bumalik daw si Erana sa Malaysia at patuloy itong nagsasagawa ng kanyang iligal na aktibidad gamit ang iba na namang Facebook account.