-- Advertisements --
vigan1

VIGAN CITY – Dismayado si Vigan City Juan Carlo Medina sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na siyang nagpauwi sa lalawigan ng Ilocos ang isang overseas Filipino worker (OFW) na nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) habang nasa Manila.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Medina, hindi umano ipinaalam ng OWWA sa LGU na ang umuwing OFW ay positibo sa naturang virus.

Aniya, hawak-hawak ng babaeng OFW mula Kingdom of Saudi Arabia ang resulta ng kanyang swab test na nagsasabing positibo iti sa corona virus.

Nagtataka ang naturang opisyal kung bakit hindi sinunod ng OWWA ang protocol.

Sa ngayon hindi muna pinahihintulutan ng city government ng Vigan ang pagpapauwi sa mga locally stranded individuals (LSIs) hanggang buwan ng Agosto.