-- Advertisements --

Nakatakdang isuspendi ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang transportation at accommodation assistance para sa mga returning Filipino workers epektibo sa Hunyo 1.

Ipinaliwanag naman ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, na ang suspensyon na ito ay base sa desisyon ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases .

Aniya, tanging ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasa distress area na certified ng Philippine Overseas Labor Offices (POLO) o authorized ng OWWA airport officers ang bibigyan ng naturang assistance.

Dagdag pa ng OWWA official na ipagkakaloob ang naturang assistance kapag ang OFWs ay kabilang sa mga benepisaryo ng repatriation program ng gobyerno.

Patuloy din na mahahatiran ng naturang assistance ang mga partially vaccinated o hindi nababakunahang OFWs na kailangang sumailalim sa mandatory facility-based quarantine sa ilalim ng IATF Resolution No. 159 (Series of 2022).

Subalit sa sariling expenses ang kanilang magagastos para sa transportation pauwi sa kanilang mga probinsiya.