Whole of government assistance and support ang ibibigay sa mga Filipino OFW repatriates sa kanilang pagbabalik sa bansa.
Itoy kasunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tiyakin na mabigyan ng kaukulang tulong aprtikular ang financial assistance sa mga Pinoy repatriates mula sa DMW AKSYON at OWWA.
Ayon kay OWWA Repatriation and Assistance Division Chief, Atty Falconi Millar na lahat ng paraan ay kanila ng ginagawa para maiuwi sa bansa ang ating mga kababayan na naiipit ngayon sa giyera sa Lebanon.
Sinabi ni Millar katuwang ng OWWA ang DMW para ilikas ang ating mga kababayan sa Lebanon.
Nasa P150,000.00 financial na tulong ang matatanggap ng Pinoy repatriates mula Lebanon.
Sinabi ni Millar sa ngayon nasa 111 OFws ang naghihintay ng repatriation sa Lebanon.
Nakikipag-ugnayan na rin ang gobyerno sa ilalim ng one country team approach.