ILOILO CITY – Tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na mabibigyan ng tulong ang pamilya ng mga pinay na nasawi sa magnitude 7.8 na lindol sa Turkey.
Ang mga ito ay residente ng Buenavista, Guimaras at Lucena City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Rizza Moldes, Regional Director ng Overseas Workers Welfare Administration Region 6, sinabi nito na nakipag-ugnayan na sila sa Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers upang mapadali ang pagbibigay ng tuloy sa pamilya ng mga biktima ng lindol.
Aton kay Moldes, sa ngayon pinoproseso na nila ang mga kakailanganin upang matulungan upang mapauwi ang mga bangkay ng mga nasawing Pinoy sakaling hindi ang mga ito mapasama sa paglibing sa mass grave.
Nanawagan rin ito sa pamilya mga pamilya ng mga apektado nang lindol na ipagbigay alam sa kanila kung may mga impormasyon sa kalagayan ng kanilang mga kaanak sa Turkey.